Sunday, March 22, 2009
Angelika dela Cruz, mommy na!
Mommy na si Angelika dela Cruz. Kapapanganak lang ni Angelika noong Byernes, ika 20 ng Marso via caesarian section. Isang malusog na batang lalaki na may bigat 6.21 pounds ang unang anak nina Angelika at ng asawa nitong si Orion Casareo. Masayang masaya si Angelika dela Cruz at ang asawa nito.
"Cute, mestizo. Halo kami ni Orion [sa hitsura], pero mas kamukha niya. Super puti, ang cute-cute!"
Ito ang naging pahayag ng bagong ina nang tanungin tungkol sa bago niyang baby.
Matatandaang tatlong buwan matapos ang kasal nila ng asawang si Orion sa huwes nang malaman ni Angelika dela Cruz na buntis siya. Nataon rin na nasa kalagitnaan iyon ng Sine Novela ng GMA-7 na Una Kang Naging Akin kung saan gumanap din si Angelika. Tuloy daw ang nakaplano na nilang kasal sa simbahan sa darating na December 4.
Labels: Angelika dela Cruz
Tuesday, March 17, 2009
Ai-Ai Labas na sa Ospital
Nagkasakit pala sa bato si Ai-ai de las Alas kaya na-ospital ang beauty niya. Kalalabas lang niya sa ospital. Ilang episodes din siyang wala sa morning show nila ni Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN na pinamagatang Ruffa and I na nagdiwang ng kanilang unang buwanang annibersaryo noong ika 16 ng Marso.
Bawal daw sa kanya ngayon ang kape dahil yong UTI niya umakyat sa kidney na siyang ikinamaga nito. Nagasgas pa raw yong sikmura niya.
Sa ngayon masaya siya at nagkaayos na sila ng kaibigan niyang si Kris Aquino at nanalo rin siya sa kasong isinampa niya laban sa isang empleyado ng convenience store na nanakit sa panganay na anak niya.
Labels: Ai-Ai de las Alas, Kris Aquino, Ruffa Gutierrez
Saturday, January 17, 2009
Rustom Padilla is Bebe
Wow! Ang taray ni Rustom Padilla. Nakakabilib ang katapangan niya. Ngayon, lantaran na talaga niyang sinasabi na babae siya. I'm happy for him. Mahirap nga naman yong hindi ka nagpapakatotoo sa sarili mo at nagtatago ka sa likod ng ibang personalidad. Ngayon, obvious na obvious ang kaligayahan ni Rustom Padilla. I'm sure marami pang artista ang bading at tomboy, hindi lang kasing tapang niya. Anyways, kababalik lang ni Rustom galing sa New York, at gulat marahil ang karamihan ng tao dahil pagbaba niya ng eroplano, ang ganda ng lola niyo. Wow! naka make-up si Rustom at nakashades at babaeng babae. Siya daw si "BB". Panoorin niyo ang video interview ng Startalk kay Rustom, e click niyo lang ang link. Rustom Padilla turned into a woman.
Labels: Rustom Padilla
Wednesday, December 17, 2008
Jennylyn Mercado and Mark Herras Balik Tambalan
Balik Soap Opera si Jennylyn Mercado para sa sine novela ng Kapuso Network na pinamagatang "Paano Ba ang Mangarap?". Makakatambal niya ulit ang dating nobyo na si Mark Herras. Ang "Paano Ba ang Mangarap?" ay isang remake base sa 1983 na pelikula nina Star for All Season Vilma Santos at Christopher "Boyet" de Leon. Si Jennylyn Mercado ang magsasadula sa ginampanang role ni Ate Vi at si Mark Herras naman para sa papel ni Boyet de Leon sa pelikula.
Labels: Jennylyn Mercado, Love Teams, Mark Herras
Unang Hirit
Hello sa lahat ng mahihilig sa showbiz tsismis. Ito ang aking pinakaunang hirit, pero bago ang mga nagbabagang tsismis at balitang showbiz, gusto ko munang mag welcome sa inyong lahat. Ito ang aking showbiz blog, napag isipan ko lang makitsika sa inyo at hopefully mag last ang showbiz tsismis blog na ito at talaga namang maiinit palagi ang mga tsika sa showbiz di ba? Kung may mga koro koro kayo, opinyon, reklamo at suhestiyon, huwag mag atubiling pindotin ang comment section at sumulat, makisali, makigulo at makitsika ng kahit ano, whatever mga pepz! Peace peace tayong lahat. Kailangang hApPy lagi, smile mga ka showbiz tsika berkz..